Monday, October 27, 2008

Baka Ka Antukin

Huwag ka ng maghintay
Baka ka antukin
Maiinip ang diwa
At sasalingin
Ang himutok ng dibdib
Sa upuan mong bangko
Kumupas na ang kulay
Sa katandaan nito
Naghihintay ang hapag
Di ka pa kumain
Sa ingay ng diwa
Gustong mabiyak
Ang puso mong aba.
Huwag siyang hintayin
Siya ay wala na
Isang patay na bituin
Magawa mo na lamang
Ang siya'y tingalain!
Huwag ka ng maghintay
Baka ka antukin!