Monday, October 27, 2008

pagsusulit sa chemistry

Piniga ang utak
'Gang sa huling katas
Gusto ng mabiyak
Sa dinanas na hirap
Mukhang 'di papantay
Inubos na galak
Pagsusulit na tunay
Gusto kong maiyak!

Pagsusulit din ang pag-ibig
Pag ito'y totoo
Di mo rin masukat
Ang lalim nito
Pag ika'y nagmahal
At bukal sa puso
Pagsusulit mang tunay
Haharapin ito!