Maureen Hultman case: Govt frees son of ex-chief justice
I was totally surprised by this latest update on what moved me several years ago. I had actually followed the case in newspapers and magazines in 1991. I can still vividly remember the emotions I had way back then when I went back to my mini collections of the poems I had written about Maureen. Here was the first one:
Si Maureen Hultman
Ang gabi'y mainit
Kaya siya'y lumabas
Pumadyak daw sa tugtog
Malutong ang halakhak
Kasama'y pag-ibig
Humahalimuyak
Nang hindi maganda
Ihip pumagaspas
Nagsikip ang pagitan
Umuwi ring wagas!
Sa daan may kotse
Bumaba'y lalaki
Ang hawak ay buhay
Sa kanyang daliri
Lumangitngit ang gatilyo
Isang punglo ang lumipad
Pisngi niya'y naputikan
Dugo niya'y dumanak...
Sa nginig at takot
Lumuhod siyang luhaan
"Huwag po niyo akong patayin!
Ako'y kaawaan!"
Ngunit may tainga ba
Ang kinalawang na bakal?
At sa nginig ng daliri'y
Isang punglo ang lumipad
At hawak ang isang buhay
Kinabukasa'y di tiyak
Simbolo ng pag-asa
Ng mga api't hinahamak!
Siya, oo, siya si Maureen
Biktima ng madilim
At pusong maitim
Talamak nang krimen
Sa lipunan natin!