ulan ma'y bumuhos
hindi papansinin
araw may tumurik
hindi iintindihin
bukas ang mga palad
magaspang, makapal
marumi niyang baro'y
sindumi ng kanal!
langaw ma'y dumapo
sa katawan niyang pagal
nguni't dapat na mabuhay
sa maruming lansangan!
makapal na tao
nakakita sa kanya
bihira ang maawa
minsa'y inaalipusta
sa kapansanang
di siya makakita
sindikato'y siya'y ginamit
mga mapagsamantala!
ulan ma'y bumuhos
araw ma'y tumirik
bukas ang kanyang palad
sa awa ng langit
siya'y isang pulubi
luhaang pumikit!