Sa gilid ba ng burol ‘ka mo
And lugar na pinuntahan mo?
Sa gilid ban a nakaharap
Sa dambana ng mundo?
Sa gilid ba ng bangin
Ang tinunguhan mo?
Matayog, matarik
Napakalalim nito.
Sa gilid ba ng bundok
Sa dambana ng Poon?
Puso mo’y naiwan
At lumutang doon?
Sa gilid din na iyon
Ang pinuntahan ko
Dinama ang haplos
Ng hangin ng siphayo…
Sa gilid din ng bangin
Nag-isip, tumayo
Wari’y sinusukat
Ang lalim nito…
Sa gilid ng bundok
Puso ko ri’y tumibok
Gusto kong lumundag
Pababang pabulusok!